WebClick Tracer

Nag-demand ng P2.4M sahod? Mikey Williams pumalag

Hindi na nakapagtimpi ang former star guard ng TNT Tropang Giga na si Mikey Williams sa isang sportswriter.

Pumalag siya sa aniya’y mga maling haka-haka na inilalabas ni Homer Sayson tungkol sa paghihiwalay niya at ng Tropang Giga.

Kinumpirma kamakailan ni TNT senior consultant Chot Reyes ang mga report na nagpadala ang team ng notice ng termination of contract sa 32-year-old Filipino-American dahil sa hindi pagkakasundo sa bagong deal.

Sinabi naman ni Sayson, na ayon daw sa kanyang mga source, humihingi si Williams sa TNT ng tumataginting na P2.4 milyon sahod kada buwan.

Sa pamamagitan ng kanyang X account nitong November 17 ay pumalag na si Williams.

“I’ve been silent for way too long, enough with the lies… get your facts straight and stop spreading false rumors,” resbak niya kay Sayson.

Samantala, sa programang “Sportalakan”, sinabi nina Jerry Codiñera at Gerry Esplana na sa tingin nila’y posibleng may offer si Williams na maglaro sa Japan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on