WebClick Tracer

Cristine Reyes nawala ang sakit nang sorpresahin ni Marco Gumabao

Biglang nagliwanag ang mundo ni Cristine Reyes at nawala ang iniinda nitong sakit nang sorpresang dumating sa location shoot ng ginagawa niyang pelikula ang dyowa niyang si Marco Gumabao.

Ipinagmalaki at ibinahagi agad ni Cristine sa kanyang Instagram ang kasiyahan sa pagdating ni Marco sa tinutuluyan niyang resort hotel sa Subic.

Nakabalandra ang larawan ni Cristine na wagas ang pagkakangiti habang nakayakap sila sa isa’t isa ng hunk aktor.

Nakasaad sa caption ang kirot na nararanasan niya sa likod na tila napawi sa presensya ni Marco.

Aniya, “I have been struggling with a persistent bulging disc which I having an emotional impact on me. I worry about the possibility that there may come a time when I am no longer capable of being physically active. I hope to eventually discover a solution that provides some relief, allowing me to live free from this burden of pain. Thank you to my loving lovey @gumabaomarco for visiting here even though it’s far away. I didn’t expect this, but you came…#filmingamovie #actorslife.”

Makikita rin ang iba pang resibo sa mabilis na paggaling ni Cristine sa iba pang larawan kasama si Marco, sa swimming pool, sa dinner date nila ng kasintahan. (Rey Pumaloy)

TELETABLOID

Follow Abante News on