WebClick Tracer

Anak, suspek sa pagpatay sa mag-live in sa loob ng bus sa Nueva Ecija

Anak mismo ng biktimang babae ang person of interest sa pagpatay sa magka-live in sa loob ng bus sa Nueva Ecija.

Inihayag ni Philippine National Police-Public Information Office chief Jean Fajardo, isa sa posibleng person of interest sa brutal na pagpatay kina Gloria Mendoza Quillano, 60-anyos; at Arman Bautista, 55-anyos, sa Brgy. Minuli, Caranglan noong Nobyembre 15 ang anak ng una.

Ayon kay Fajardo, kinasuhan ni Quillano ng carnapping ang kanyang anak na lalaki sa Isabela.

Nakalalaya lamang umano ang naturang lalaki dahil sa piyansa.

Sa kabila nito’y mariin umanong itinatanggi ng anak na may kinalaman siya sa pagkamatay ng kanyang ina at ka-live in nito.

Kinumpirma naman ng kapatid ni Ginang Gloria na nakatanggap ang biktima ng banta sa kanyang buhay bago ito pinatay. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on