WebClick Tracer

Castro ikinatuwa paglabas ng subpoena vs Duterte

Ikinatuwa ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pagpapalabas ng Quezon City Prosecutor’s Office ng subpoena laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I am glad that the case is progressing and I hope that former Pres. Duterte will face the charges and participate in the preliminary investigation,” sabi ni Castro.

Ang subpoena ay pirmado ni Senior Assistant Prosecutor Ulric Badiola ng Quezon City Prosecutors Office.

Si Duterte ay pinapupunta sa pagdinig ng reklamo sa Disyembre 4 at 11.

Ang subpoena ay nag-ugat sa reklamong inihain ni Castro kaugnay ng pagbabanta ni Duterte sa kaniya sa isang panayam sa telebisyon.

Ayon kay Duterte, si Castro ang unang target ng confidential fund ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep. Pimentel: Matitirang miyembro ng PDP-Laban ni Duterte sa Kamara, 4-5 na lang

TELETABLOID

Follow Abante News on