WebClick Tracer

DepEd nagdalamhati sa pagkamatay ng 2 estudyante sa Taguig

Nakiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya ng dalawang estudyante na nasawi sa loob ng Signal Village National High School sa Taguig.

Ayon sa pahayag ng DepEd, sila’y makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para sa agarang imbestigasyon sa naturang insidente.

“The DepEd fully commits to cooperate with the PNP Taguig regarding this matter, and is committed towards the swift and expeditious conduct of the ongoing investigation,” ayon sa kagawaran.

Nasawi sa loob ng isang opisina ng paaralan sina Irish Sheen Manalo, Grade 8 student, at Nicole Picar, Grade 10 student.

Ayon naman sa pahayag ng PNP-Taguig, wala umanong foul play na nakita ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa pagkamatay ng dalawang estudyante. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on