Nanguna si Davao City Rep. Paolo Duterte sa pagtulong sa daan-daang pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa kaniyang siyudad.
Sa pamamagitan ng kaniyang ‘Pulong Pulong ni Pulong’ program, naghatid ng tulong si Duterte at ang kaniyang mga staff sa 1st Congressional District Office sa mga apektado ng baha dulot ng malakas na ulan na nagsimula noong gabi ng Miyerkoles at tumagal hanggang umaga ng Huwebes.
“’Action always beats intention’ is what the members of the Pulong Pulong ni Pulong always keep in mind. We acted quickly to assist as many Dabawenyos as we can. While the flooding has subsided, we are continuously reaching out to the displaced families,” sabi ni Duterte.
Ayon sa mga ulat, naapektuhan ng pagbaha ang mga barangay Matina, Bago Gallera, Tugbok District, Talomo Proper, Matina Aplaya at Maa. (Billy Begas)
See Related Story Here:
TWG binuo para plantsahin mga panukala na titiyak na may sapat na suplay ng dugo sa mga ospital