WebClick Tracer

Scottie ibinida ang cute na pagtawa ni Baby Aster

Ibinahagi ni Barangay Ginebra star Scottie Thompson ang cute na pagtawa ng kanyang anak na si Aster.

Makikita sa video na shinare ni Scottie sa Instagram na nilalaro niya si Baby Aster na natatawa naman sa ginagawa niya.

“Napakasayang umaga with our baby boss,” sabi ni Scottie sa caption.

Kamakailan ay nagbakasyon sina Scottie sa Japan, na unang trip abroad ni Baby Aster.

Si Baby Aster o Scot Alystair ang unang baby nina Scottie at Jinky Serrano na isinilang nitong May 5, 2023. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on