WebClick Tracer

Raquel Pempengco namanata para maging babae ang anak

Inamin ni Raquel Pempengco na masakit sa kanya nang “patayin” ni Jake Zyrus si Charice Pempengco.

Siyam na buwan daw kasi niyang namata sa Diyos para maging babae ang kanyang anak.

“Siyempre masakit sa akin. Nung pinagbubuntis ko siya namata ako ng siyam na buwan para maging babae. Masakit sa akin kasi ‘yung akala ko na Charice Pempengco na malapit sa ina, na kaibigan ng ina, na ako ‘yung buhay niya. Mula nung nag-Jake siya, nawala lahat ‘yun,” lahad ni Raquel sa vlog ng showbiz writer na si Morly Alinio.

“Mas masakit sa akin kasi nag-expect ako na for life kami magkasama eh. Inisip ko kung nagkamali man ako sa isang lugar pero hindi naman ganoon kabigat para kalimutan na ina ako. Mas masakit sa akin ‘yung nagpalit siya ng pangalan dahil ako ang nagbigay ng pangalan niya. Nagpatanggal siya ng breast dahil hinubog ko siya. Nagpalagay siya ng tattoo dahil iningatan ko ‘yung balat niya,” himutok pa ni Raquel.

Dagdag pa niya: “Dahil siya ‘yung talagang ipinanata ko na ibinigay ni Lord sa akin.”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on