WebClick Tracer

June Mar sinungkit ika-7 MVP award!

May maagang pa-birthday ang Diyos para kay June Mar Fajardo.

Nasungkit niya ang ikapito niyang Most Valuable Player (MVP) award sa Philippine Basketball Association (PBA).

Tinalo ng โ€œThe Krakenโ€ sa karangalan sina Scottie Thompson, CJ Perez at Christian Standhardinger.

Sa X/Twitter, binati ng PBA si Fajardo.

โ€œ7 FREAKIN’ TIME MVP! June Mar Fajardo!โ€ saad ng pinakamatandang professional league sa Asya.

Naglaro si Fajardo sa University of Cebu Webmasters sa CESAFI at sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League bago kinuha bilang first overall sa 2012 PBA Draft ng Petron Blaze Boosters.

Mula noon, siya ang naging kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nanalo ng MVP award sa anim na magkakasunod na season (2014-2019).

Naging mainstay din siya ng Gilas Pilipinas sa mga international competition.

Kasalukuyang naglalaro si Fajardo sa SMB Beermen.

Magse-celebrate siya ng 34th birthday sa November 17. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on