WebClick Tracer

Mark Villar: Bantayan presyo ng mga bilihin ngayong Undas

Hinimok ni Senador Mark Villar ang publiko na maging mapagbantay sa presyo ng mga produktong ibebenta ngayong All Saints at All Souls Day.

“Sa taunang paggunita natin ng Undas, mahalaga po na ating bantayan ang presyo ng mga bilihin para masiguro na ang ating mga mabibili, lalo na ang mga kandila at bulaklak, ay hindi lumalabag sa price guide ng DTI,” sabi ni Villar, chairman ng Senate committee on trade and commerce.

Nauna nang nagsagawa ng price monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila.

Ilang araw pa bago ang Undas, tumaas na ang presyo ng mga bulaklak mula P30 hanggang P200 depended sa uri nito.

Bagama’t walang SRPs (Suggested Retail Price) para sa mga bulaklak, umapela ang DTI sa mga nagtitinda na panatilihin ang patas na presyo. Para sa kandila at bottled water naman, pinaalalahanan ng DTI ang mga nagtitinda na sundin ang SRPs para dito.

“Atin pong inaasahan ang pagdagsa ng maraming mamimili, kaya sana po ay wag nating abusuhin ang importanteng okasyon na ito para sa ating mga kapwa Pilipino. Tayo po ay kaisa ng DTI in appealing to our vendors to fairly sell their products ngayong Undas,” saad ni Villar.

“Apart from a safe and orderly celebration of Undas, it is likewise important that we monitor the prices of these in-demand products. Mahalaga po na as we pay respect to our departed loved ones, tayo rin po ay maging mapanuri sa mga bilihin na ating gagamitin sa paggunita sa kanila,” dagdag pa niya.

Para sa mga reklamo sa presyo ng mga paninda ngayong Undas, sinabi ni Villar na maaaring mag-report ang publiko sa DTI Hotline 1384 o sa anumang social media accounts ng ahensya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Villar sinita BAI sa importasyon ng ASF bakuna

TELETABLOID

Follow Abante News on