Mistulang fan ang sikat na football legends na si Cristiano Ronaldo matapos niyang makita si Manny Pacquiao.
Sa Instagram post ng TNT Boxing, makikita si Ronaldo na tinawag si Pacquiao at inakbayan.
“@cristiano absolutely LOVED meeting the legend @mannypacquiao,” caption ng TNT Boxing.
Nagkita ang dalawa sa pre-match event ng laban nina Francis Ngannou at Tyson Fury sa Saudi Arabia.
Marami naman ang natuwang netizen sa pinakitang respeto ni Ronaldo kay Pacquiao.
(RP)