WebClick Tracer

WFH sa gov’t workers, asynchronous classes sa Oktubre 31 pinayagan

Maaaring mag-work from home ang mga kawani ng pamahalaan sa Oktubre 31, 2023 matapos hindi ito isali sa mahabang long weekend ng Malacañang.

Naglabas ng memorandum circular ang Malacanang nitong Biyernes kung saan pinapayagang magtrabaho sa bahay ang mga empleyado ng gobyerno at hindi na kailangan pumasok sa opisina sa darating na Biyernes.

Pinayagan din ang asynchronous classes para sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Nakasaad sa memo circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na binibigyang pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na maayos na maobserba ang Todos Los Santos at makabiyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.

“In order to provide government employees full opportunity to properly observe All Saint’s Day on 01 November 2023, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work from home arrangement in government offices shall be implemented, and asynchronous classes in public schools shall be conducted on 31, October 2023.”

Gayonman, nilinaw ni Bersamin sa inilabas na memo na hindi kasali sa WFH ang mga kawaning nagtatrabaho sa mga tanggapang ang mandato ay maghatid ng pangunahing serbisyo sa pagtugon sa kalamidad, emergency situation at iba pa.

Nasa pagpapasya na ng mga pribadong kumpanya at pribadong paaralan kung papapasukin o hindi ang kanilang mga kawani at estudyante sa October 31.

Ang October 31 ay naipit sa long weekend subalit hindi idineklarang holiday ng Malacañang.

(Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on