WebClick Tracer

Sa PCSO anniversary: Minimum jackpot prize papalo sa P89M!

Bilang pasasalamat sa patuloy na tumatangkilik sa kanilang palaro, itinakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa P89 milyon ang minimum na premyo sa lahat ng major lotto games nito simula sa Lunes, Oktubre 30.

Ito’y bahagi ng pagdiriwang ng PCSO sa kanilang ika-89 na taong anibersaryo.

Ang minimum jackpot prize na P89 milyon ay applicable sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 na mga dino-draw tuwing Lunes.

Kung walang mananalo sa Monday draw, ang premyo ay ilalapat din sa Ultra Lotto 6/58, SuperLotto 6/49 at Lotto 6/42.

Madaragdagan nang madaragdagan ang premyo hanggang sa matamaan ang jackpot prize.

“The support you give to our products and services, especially Lotto, enable us to help thousands of our indigent kababayans who are in need of medical, educational or financial assistance from the national government. For this, we are extremely grateful,” pahayag ni PCSO General Manager Melquiades Robles.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on