WebClick Tracer

Ricardo Cepeda, hiling sa Pasko na makalaya

Tatlong linggo nang nakakulong ang aktor na si Ricardo Cepeda kaya hiling niya ngayong kapaskuhan na makalaya.

Inaresto si Cepeda, o Richard Cesar Go sa tunay na pangalan, sa Caloocan City noong Oktubre 7 dahil sa kasong syndicated estafa na non-bailable o hindi siya puwedeng magpiyansa.

Iginiit ng aktor sa interview sa “24 Oras” na modelo o endorser lamang siya ng kompanyang sangkot sa kaso at walang kinalaman sa negosyo nito.

Sa isang vlog, tinanong siya ni Julius Babao kung ano ang kanyang pinakahinahangad ngayong darating na Pasko, aniya “freedom” ang kanyang hiling.

Saad pa ni Ricardo, inakala niyang prank lang ang pagdakip sa kanya sa isang ribbon-cutting event.

Wala raw kasi siyang kaalam-alam na may isinampa pa lang kaso laban sa kanya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on