WebClick Tracer

PNP-ACG spokesperson sinibak sa ‘collab’ kay Rendon Labador

Sinibak sa puwesto ang tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na si Police Captain Michelle Sabino.

Kaugnay ito sa pag-livestream ng vlogger na si Rendon Labador sa isang raid ng PNP sa Makati City noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP-ACG Director Sidney Hernia, inilipat muna si Sabino sa kanilang headquarters para sa tungkuling administratibo.

Sinasabing pinayagan umano ni Sabino na sumama si Labador sa pagsalakay sa isang online lending company na umano’y nangha-harass ng mga hindi nakakabayad.

Ilang kamag-anak ng mga empleyado na nakunan ng video ni Labador ang nagreklamo na tila pinalabas sa livestream na guilty na ang mga ito

Samantala, pumalag si Labador sa pagsibak kay Sabino.

Giit niya: “HINDI KAMI KALABAN. Ginawa ni Capt. Sabino ng maayos ang kanyang tungkulin bilang public servant. Ipinakita ko ang accomplishment ng PNP ACG para makita ng mga OLA victims ang aksyon na ginagawa nila. BAKIT KAMI ANG NA IMBESTIGAHAN AT NAGING MASAMA??? NATANGGAL PA SA PWESTO si Capt. Sabino. Hindi ba dapat OLA ang tutukan natin dahil sila ang kalaban at hindi kami.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on