WebClick Tracer

Naiwang maleta na may laman na P20 milyong halaga ng mga alahas, bag naibalik na

Naibalik na ang isang maleta na tinatayang naglalaman ng P20 milyon na halaga ng mga alahas at bag, na aksidenteng naiwan ng may-ari nito sa NAIA.

Sa kuha ng CCTV noong Oktubre 1, makikitang naiwan ni Maricor Flores, may-ari ng maleta, ang maleta habang ito ay pasakay sa isang sasakyan sa NAIA Terminal 3 arrival area.

Inakala nito na kinuha na ng driver ang maleta at isinakay sa sasakyan ngunit naiwan lang ito sa labas.

Boluntaryo naman umano isinauli ang maleta at kumpleto rin ang laman nito.

(CS)

See Related Story Here:

Jodi Sta. Maria ibinida AI photo kasama si Naia

TELETABLOID

Follow Abante News on