WebClick Tracer

Maine may bagong branch ng McDo

Lumalawak na ang negosyo ng “E.A.T.” host na si Maine Mendoza.

Sa kanyang X account, inimbitahan niya ang mga netizen sa pagbubukas ng panibago niyang branch ng McDonald’s sa Dr. Eduardo V. Roquero Avenue, Brgy. Bagong Buhay, San Jose del Monte, Bulacan.

“So happy and excited to announce that we will be opening our new store in Bulacan!” ani Maine.

Aniya, sa October 28, 2023 ng alas-6 ng umaga ang opening ng kanyang McDonald’s Sampol.

“We have loooots of activities and opening day offers prepared for everyone. 6AM palang madami na tayong pagsasaluhan! Kitakits sa Sabado sa McDo Sampol!” sabi pa ni Maine.

Una siyang nagbukas ng McDonald’s fast food resto sa kanyang hometown na Barangay Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan noong August 2017. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on