WebClick Tracer

JV Ejercito: Automatic income classification of LGUs Act magpapalakas ng ekonomiya

Lalo pang lalago ang ekonomiya at gaganda ang lokal na awtonomiya dahil sa bagong batas na nag-i-institutionalize sa automatic income classification of local government units (LGUs), ayon kay Senador Joseph Victor “JV” Ejercito.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act. No. 11964 o “Automatic Income Classification of Local Government Units Act,” na naglalayong magtakda ng income threshold para sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad at bigyan ng kapangyarihan ang Secretary of Finance na regular na mag-reclassify ng LGUs at rebisahin ang income ranges.

Ang Automatic Income Classification of LGUs Act ang unang batas na ipinasa ni Ejercito ngayong 19th Congress, dagdag sa listahan ng kanyang landmark legislation tulad ng Universal Health Care Act epartment of Human Settlements and Urban Development Act.

“Ipinapaabot ko po ang aming pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagpirma upang gawing batas ang Republic Act No. 11964 o Automatic Income Classification of Local Government Units Act na aking pong isinulong at iniakda,” sabi ni Ejercito.

Ayon kay Ejercito, dating kongresita at alaklade ng San Juan City, ang bagong batas na ito ay magsisilbing gabay national government sa mahusay na paglaan ng kanilang resources para sa kompensasyon ng local government personnel at ng distribusyon ng financial grants sa LGUs.

“Sa pagkakapasa nito, inaasahan po natin na makatutulong ang batas sa national government sa pagsusuri ng financial capacity ng mga LGU at sa pagtukoy po ng angkop na uri ng tulong sa kanila,” diin ni Ejercito.

“Ang amin pong layunin sa batas na ito ay malinaw: i-synchronize ang reklasipikasyon ng mga LGU sa termino ng mga lokal na opisyal na inihalal,” dagdag pa niya.

Ang unang general income reclassification ay gagawin sa loob ng anim na buwan mula sa pagkabisa ng batas, at kada tatlong taon pagkataos nito. Ang pagbabago ay magkakabisa sa Enero 1 ng susunod na taon.

Sa ilalim ng batas, ang isang LGU ay hindi ire-reclassify sa isang mababang kategorya maliban na lang ang kung ang income o kit anito ay bumaba sa bagong hanay sa susunod na reclassification.

Gagamitin din ang batas para matukoy ang minimum wage para sa mga domestic worker ayon sa Republic Act. No. 10361 o mas kilala bilang Domestic Workers Act o Batas Kasambahay.

Unang ipinatupad ang income reclassification noong 2008 bago inilabas ang opinyon ng Department of Justice sa kapangyarihan ng Secretary of Finance na ayusin ang income ranges sa ilalim ng Executive Order No. 249 noong Hulyo 26, 1987.

Nangangahulugan ito na ang kasalukuyang income reclassification ng LGUS ay nakabatay sa outdated revenue figures mula sa kanilang 2004-2007 Financial Statements.

Pinasalamatan ni Ejercito si Senate President Juan Miguel Zubiri at mga kapwa senador sa kanilang suporta sa panukala at ang Department of Finance sa kanilang technical assistance.

“Hindi po ito magiging posible nang walang tulong ni SP Migz Zubiri sa kanyang liderato at ng iba pang mga kasamahan namin sa Senado na sumuporta sa batas na ito,” ani Ejercito.

“Nagpapasalamat din po kami ng buong-puso sa Department of Finance, lalo na sa kanilang Bureau of Local Government Finance, para sa lahat ng kanilang technical assistance na ibinigay sa amin,” sambit pa niya.

Ang Department of Finance, sa pakikipag-ugnayan ng Department of Budget and Management at pakikipagkonsultasyon ng LGU Leagues, ang magbuboo ng kinakailangang implementing rules and regulations para sa batas na ito.

(Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on