WebClick Tracer

‘It’s Your Lucky Day’ hosts emosyonal sa pamamaalam

Emosyonal sa huling araw nila ang mga host ng “It’s Your Lucky Day” nitong Biyernes, October 27.

Ang “It’s Your Lucky Day” ang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” na nasuspinde ng 12 araw dahil sa “subo icing” nina Vice Ganda at Ion Perez na umano’y malaswa.

Nitong Biyernes pinangunahan ni Luis Manzano ang pamamaalam ng mga host sa mga manonood.

“It’s our great honor na magpasaya sa inyong lahat nang panandalian para mapawi ang inyong problema. At sa ating ‘Showtime’ family, we welcome you back,” ani Luis na kasama ang kanyang misis na si Jessy Mendiola.

“Maraming-maraming salamat sa pagpapatuloy sa inyong tahanan at itutuloy n’yo rin ang kasiyahan. Mga ka-Lucky, sabay-sabay po tayong magdasal. Kapit lang. Sabi nga nilang lahat, malay naman natin this is not goodbye,” dagdag niya.

Ngayong Sabado, October 28 inaasahan na ang pagbabalik ng “It’s Showtime”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on