WebClick Tracer

Binata nangholdap ng botika, pinuntirya Viagra imbes pera

Isang 23-anyos na lalaki ang nangholdap sa isang botika pero imbes na pera, mga gamot kabilang na ang Viagra ang nilimas niya.

Sa ulat sa New York Post, sinabi ng Orlando Police Department sa Florida na nag-abot ang holdaper na si Thomas Mues ng isang sulat sa mga pharmacist sa isang CVS store bandang alas-6 ng gabi noong October 23.

Nakalagay sa sulat na may dala siyang baril at ipuputok ito sa kanila kung hindi ibibigay ang mga inilista niyang gamot.

Pinalagay niya sa bag ang mga gamot na kinabibilangan ng Oxycodone, Hydrocodone, Xanax, Adderall, Liquid Codeine at Viagra.

Nadatnan umano ng mga pulis si Mues habang palabas na ng botika, hinabol siya at nadakip.

Nahaharap si Mues sa mga kasong robbery, trafficking at possession charges. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on