Nangako si Bay Area Dragons import Myles Powell na maglalaro siya ng isang season sa San Miguel Beermen kung mangyayari ang isang kondisyon niya.
Ito’y kung magiging coach na ng SMB si Chris Ross.
Sa pamamagitan ng kanyang X/Twitter account, inihayag ni Powell ang kahandaang maglaro sa Beermen matapos ianunsyo ni Ross na magiging playing assistant coach siya ng koponan.
“When you coach … you have my word I’ll put the SMB jersey on for a season,” saad ni Powell.
Nag-react dito si Ross, aniya: “Powerman & Coach Chris coming to a PBA court in the future!!” (IS)
