WebClick Tracer

Ced Domingo papalo na sa Thailand

Inanunsyo na ang paglipad ni Ced Domingo sa Women’s Volleyball Thailand League matapos umalis sa Creamline Cool Smashers.

Pumirma na ng kontrata si Domingo sa koponang Nakhon Ratchasima VC, ayon sa kanyang management na Virtual Playground.

Nakhon Ratchasima ang nagkampeon sa Women’s Volleyball Thailand League noong 2022-23 season.

Kamakailan isiniwalat ng Cool Smashers na pinakawalan nila si Domingo upang matupad ang pangarap nito abroad. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on