WebClick Tracer

Dimples Romana kay Angel Locsin: ‘Ine-enjoy niya ang married life’

Nagbigay ng update sa buhay ni Angel Locsin ang kanyang matalik na kaibigang si Dimples Romana.

Ayon kay Dimples, ine-enjoy ni Angel ngayon ang kanyang buhay may asawa.

“I am very happy that she is taking this time off. Kasi nakita mo naman magtrabaho ‘yung taong ‘yon at grabe din ‘yon lumaban pagdating sa pandemya noon. Pagdating sa trahedya, siya ang nauuna doon.

“Lagi kong dasal sa kanya noon, dati, sabi ko sa kanya, ‘Gel, please maghinay-hinay ka kasi ‘yung katawan mo. Tayo ay hindi bumabata, baka niyan magkasakit ka.’ So ngayon na inaalagaan niya ang sarili niya, nandiyan si Neil ine-enjoy niya ang married life niya. Tahimik ang buhay niya ang saya-saya ko para sa kanya,” tsika ni Dimples sa ABS-CBN News.

Sabi pa ni Dimples, kahit missing in action si Angel sa social media, tuloy ito sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Alam n’yo sa totoo lang si Angel… kahit ‘yan ay MIA (missing in action), hindi ‘yan MIA sa buhay ng mga taong tinutulungan niya. Hindi lang kasi siya masalita kahit ako pa siguro sabihin ko sa inyo kung sino ang tinutulungan niya ay ayaw niya rin ‘yon. Kasi ayaw niyang pinagsasabi ‘yung tinutulungan niya.”

Nagpapasalamat din daw siya kay Neil Arce dahil inaalagaan ang kanyang kaibigan.

“Neil takes very good care of her and I am very grateful to Neil na inaalagaan niya si Gel that way that and I am sure inaalagaan din ni Gel si Neil, happy naman sila.”

TELETABLOID

Follow Abante News on