WebClick Tracer

40 bahay nasunog sa Zamboanga City

Tinatayang nasa 40 bahay ang nasunog sa Manggal Drive, Baliwasan, Zamboanga City.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10 ng umaga nitong Huwebes nagsimula ang sunog. Dahil magkakadikit ang mga bahay at masikip ang daanan, nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar.

Umabot pa umano sa ikatlong alarma ang sunog at mag-aalas tres na ng hapon ng ito ay maapula.

Nasa 40 pamilya naman umano ang apektado ngunit sa records ng City Social Welfare and Development Office, maaaring mas mataas pa rito ang bilang habang nagpapatuloy ang profiling ng mga biktima.

Tinataya naman na nasa P1 milyon ang pinsala sa sunog. Patuloy naman na iniimbestigahan ng BFP kung ano ang dahilan ng sunog.

(CS)

See Related Story Here:

4 na katao dedo sa sunog sa Taguig City

TELETABLOID

Follow Abante News on