WebClick Tracer

11AM-11PM mall hours larga na sa Nobyembre 13

Sisimulan na sa Nobyembre 13 ang in-adjust na mall shopping hours sa Metro Manila para sa Christmas season.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ia-adjust ang mall shopping hours sa 11:00 AM hanggang 11:00 PM simula Nobyembre 13, 2023 hanggang Enero 8, 2024 dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

“Iyon pong ating mall hours ay ipapa-adjust natin from 11 a.m. to 11 p.m. starting din po iyan ng November 13 at iyan ay tatagal hanggang January 8,” ani MMDA Chairperson Romando Artes sa isang press conference.

Samantala, tuwing weekends lamang papayagan ang mga mall-wide sale.

Ang mga store o outlet naman na nasa loob ng mga mall na may sales ay papayagan kapag weekdays basta’t hindi nila ito iaanunsyo o ipapa-advertise.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on