WebClick Tracer

Senate Public Assistance Office, Mabuhay Shriners tinulungan PWDs sa Calapan City

Nagsanib-pwersa ang Senate Public Assistance Office (SPAO) at Mabuhay Shriners International sa pagbibigay ng mahahalagang mobility devices tulad ng wheelchairs, walkers at saklay para sa mga persons with disability (PWD) sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa turnover ceremony noong Oktubre 11, ipinakita ni Director General Lino S. Ong, Calapan City Mayor Marilou Morillo at Mina De Oro Shrine Club First Vice President Edmundo Casanova ang mga donasyon na binubuo ng 10 adult wheelchairs, 5 pediatric wheelchairs, 5 quad canes, 5 crutches at 5 walkers.

Ang Mina De Oro Shriners Club ay isang chapter ng Mabuhay Shriners sa Oriental Mindoro.

Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat si Mayor Morilla kay Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Public Assistance Office sa kanilang napakahalagang donasyon. “We are very thankful at napagbigyan n’yo po kami. Thank you so much.”

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Director General Ong na ang turnover ng mobility devices ay sa pamamagitan ng gabay ni Zubiri at sa inisyatibo rin ng SPAO sa kanilang tungkulin na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan ng mga senador.

Sabi ni Ong, ang partnership ay nag-umpisa noong Hunyo 2022 noong panahon ng termino ni dating Senate President Vicente Sotto II. “Bilang institution, limitado po ang ating kakayahan at ating budget. Kaya sa ilalim ng konsepto na ‘One Help, One Nation’ na aming isinusulong sa SPAO, layunin namin na magkaroon ng collaboration at partnership sa iba’t ibang institution, pampubliko man o pribado, para magtulung-tulungan sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.”

“Itong turnover natin ngayon ay patunay sa power of collaboration. Mas marami tayong matutulungan at maabot kung tayo ay magsasama-sama,” dagdag niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on