WebClick Tracer

Trust rating ni PBBM, VP Sara dumausdos!

Patuloy ang pagbaba ng trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, base sa third quarter survey ng Pulso ng Pilipino.

Sa survey na isinagawa mula September 22 hanggang 30, 2023, nasa 69 percent na lang ang net trust rating ni PBBM, habang 66 percent naman kay VP Sara.

Kung ikukumpara ito noong June 2023, nasa 83 percent ang trust rating ni Marcos, si Inday Sara naman ay 84 percent.

Mas mataas naman ang trust rating nina Senate President Miguel Zubiri (73%), House Speaker Martin Romualdez (70%) at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo (70%) kumpara sa dalawang top executive.

Pagdating naman sa satisfaction rating ay bumaba rin sina Marcos at Duterte.

58 percent na lang ang satisfaction rating ni PBBM mula sa 69 percent noong Hunyo, habang si VP Sara ay 54 percent na lang kumpara sa 68 percent tatlong buwan na ang nakalipas. (RP)

See Related Story Here:

Trust ratings nina PBBM, VP Sara bumagsak

TELETABLOID

Follow Abante News on