WebClick Tracer

CFO aktibo sa pag-alalay sa mga Pinoy sa Israel

Nakatutok ang Commission on the Filipinos Overseas (CFO) sa mga pangyayari sa Israel upang agad makapagbigay ng tulong at alalay sa mga apektado ng gulo sa naturang bansa.

Batid ng CFO na anumang oras ay kailangang gumawa ng kagyat na hakbang ang gobyerno para mailikas ang mga Pinoy mula roon.

Ang CFO ay isang ahensya na nalikha para tumingin at umayuda sa mga Pinoy na naninirahan na sa ibang bansa gaya ng mga immigrant, nakapangasawa ng dayuhan at iba pang kahalintulad na sitwasyon.

Sa isang pahayag, hinikayat ni CFO Secretary Romulo V. Arugay ang mga Pilipino sa Israel na makipag-ugnayan sa Embassy of the Republic of the Philippines Israel at Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration kung ang sitwasyon ng mga ito ay nangangailangan ng agarang pagresponde o tulong.

Narito ang contact details ng mga nasabing tanggapan:

EMBASSY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES ISRAEL

18 Bnei Dan Street, Tel Aviv, Israel

24/7 Hotline Number: +972-54-4661-188

Assistance to Nationals Number: +972 50-911-4017

Email Address: telaviv.pe@dfa.gov.ph

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS – OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

24/7 Task Force Israel Help Desk

Hotline: +63 2 1348

Viber/Whatsapp: +63 908-3288-344 / +63 927-1478-186 /

+63 920-5171-059

TELETABLOID

Follow Abante News on