WebClick Tracer

MPD naglabas ng mug shot ni Pura Luka Vega

Naglabas ng mug shot ng drag artist na si Pura Luka Vega ang Manila Police District (MPD) matapos arestuhin ngayong Miyerkoles, Oktubre 4.

Sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court Branch 36, inaresto si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na pangalan, sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Maynila para sa Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows ng Revised Penal Code.

P72,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Kaugnay ito sa controversial na drag performance niya ng “Ama Namin” kamakailan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on