WebClick Tracer

NEDA nagbigay kay PBBM ng mga alternatibo kapalit ng price cap sa bigas

Naglatag ng mga rekomendasyon ang National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapalit ng posibilidad na pag-alis sa price cap sa bigas na ipinatupad nitong nakalipas na buwan.

Sa ipinatawag na sectoral meeting ng Pangulo sa MalacaƱang nitong Martes, tinalakay ang posibilidad na maaari ng alisin ang price cap sa bigas alinsunod sa inilabas na Executive Order no.39.

Sa ginanap na pulong, sinuportahan ng NEDA ang rekomendasyon ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na maaari ng ikunsidera ang pag-lift sa price cap ng bigas.

Gayonman, sinabi ng NEDA sa Presidente na kinakailangang magkaroon ng alternatibo kapag inalis ang price cap gaya ng logistic support sa rice traders, tulong pinansiyal sa mga magsasaka at unconditional rice price subsidy sa mahihirap na consumers.

Ginawang batayan ng DTI at DA na maaari nang alisin ang price ceiling sa bigas ay ang pagbaba na ng presyo nito sa pamilihan at ang pagdami na ng supply dahil tumaas ang produksiyon ngayong anihan.

Isa rin sa ikinunsidera ng mga opisyal ay ang pagbaba na ng presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan at ang sapat na supply na inaangkat sa ibang bansa.

(Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on