WebClick Tracer

SWS: Kalahati ng Pinoy hindi nasisiyahan sa K-12 program

Kalahati ng mga Pinoy ang hindi nasisiyahan sa K to 12 (K-12) education system sa bansa, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na 39 porsiyento lamang ng 1,500 adult respondents ang nagsabing “satisfied” sila o nasiyahan sa K-12 program.

Siyam na porsiyento naman ang “undecided”.

Samantala, karamihan naman ng mga Pilipino o 89 porsiyento ng tinanong ang mas gustong Hunyo hanggang Marso ang academic calendar, habang 10% lamang ang mas bet ang Setyembre hanggang Hunyo.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2023 nationwide. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on