Hinangaan ang isang ama mula sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City matapos i-donate sa public library ang mga librong hindi na nagagamit sa kanilang bahay dahil lahat ng mga anak niya’y nakapagtapos na sa pag-aaral.
Ibinahagi ng Valenzuela City Library ang litrato ni Vicente Alfonso Jr., kasama ang mga libro ng kanyang mga anak.
“Puro graduate na mga anak ko. Naisipan kong i-donate itong mga books para mapakinabangan ng iba,” saad ni Alfonso.
Narito ang reaksiyon ng ilang netizen:
“Good motivations to share your resources.”
“Good example.. Motivation.”
“Good job Sir!”
(IS)