WebClick Tracer

‘Tapos lalapit din kayo’: Rendon sinumbatan fans ni Vice Ganda

Sinumbatan ni Rendon Labador ang mga fan ni Vice Ganda na nagpapatulong daw sa kanya na birahin ang “E.A.T.” host na si Joey de Leon tungkol sa kontrobersiyal na sagot nitong “lubid”.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Rendon ang pagpapadala raw sa kanya ng mensahe ng ilang tagahanga ni Vice Ganda.

Inutusan siya ng mga itong banatan si Joey dahil tila dedma raw sa isyu si MTRCB Chair Lala Sotto.

“Nagalit kayo sa akin dahil idol ninyo ang sinita ko. Tapos lalapit din kayo para iboses na maitama ang mga mali,” ani Rendon.

“Ako ang nag-iisang tao dito sa Pilipinas na nagsasabi ng mga katotohanan para maitama ang mga mali, galit pa kayo sa akin. Sino na ngayon ang may lakas ng loob pumuna sa mga yan?” dagdag pa niya.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on