WebClick Tracer

Ricky Davao naiyak nang ikuwento pag-amin ng anak na lesbian

Naluha ang premyadong aktor na si Ricky Davao nang alalahanin ang pag-come out sa kanya ng anak bilang lesbian.

Kuwento niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”, may nangyari raw noon sa school ng anak na si Rikki Mae na ikinagalit niya.

“Something happened in her school, nabalitaan ko, nagalit ako,” saad ng veteran actor.

“Nag-aayos ako ng shoes, tapos nagalit ako, binato ko. Hindi naman siya tinamaan, then she cried,” dagdag pa niya, na naiyak na.

Kinabukasan ay binigyan daw siya ng anak ng mahabang sulat na nagso-sorry at umamin na isang lesbian.

“Of course, natanggap ko naman agad because I love her, and I respect [her]. So, whatever makes her happy,” sambit ng aktor.

Si Rikki Mae ay anak ni Ricky sa ex-wife na si Jackie Lou Blanco.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on