WebClick Tracer

Exclusive motorcycle lane sa EDSA inihirit

Inihirit ng isang mambabatas ang paglalagay ng exclusive motorcycle lane sa EDSA.

Ayon sa deliberasyon ng panukalang budget nitong Martes, sinabi ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita na napatunayan na ang benepisyo ng pagkakaroon ng exclusive lane.

“Maayos po ito at mas ligtas ang mga sasakyan na dumadaan dito,” sabi ni Bosiita. “Ang motorcycles po na dumadaan naman sa kahabaan ng EDSA ay may tinatayang bilang na 175,000 araw-araw at ang iba namang mga sasakyan po excluding buses ay may bilang an 252,000 araw-araw.”

“Maaari po pang malaman sa DOTr kung sila po ba ay may balak o maaaring pag-aralan….. kasama ang MMDA para sa posibilidad na maglaan ng exclusive motorcycle lane sa EDSA para sa mga rider na tinatayang 40% at maglaaan naman po ng dalawa o higit pang lanes para sa other vehicles na tinatayang 60%?” dagdag pa ni Bosita.

Sinabi naman ni Valenzuela Rep. Eric Martirez, ang sponsor ng budget ng Department of Transportation (DOTr), na bukas ang ahensya sa naturang panukala.

“They are very much willing to study such option,” sabi ni Martinez.

Nagpasalamat naman si Bosita sa tugon ng DOTr.

(Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on