WebClick Tracer

Pamamahagi ng nakumpiskang bigas, iligal – Escudero

Hindi umano legal na ipamahagi ng gobyerno ang smuggled na bigas na nakumpiska ng mga awtoridad sa ginawang pagsalakay sa isang warehouse sa Zamboanga City noong Setyembre 15, ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

“Ang problema doon ay technically ay hindi yun legal, maganda man ang intensyon,” pahayag ni Escudero sa panayam sa DZBB.

“Halimbawa na lang, may bodega ka, bigas man o anuman ang laman, inakusahan ka ng hoarding o smuggling, hindi naman ‘yan basta-basta pwedeng bunutin at ipamigay, tulad nga ni Robin Hood sabi ko,” paliwanag pa niya.

Sabi ni Escudero, may sinusunod umanong proseso bago ito kumpiskahin at ipamahagi ang mga puslit na mga kontrabando maliban na lang kung nakipag-areglo ang may-ari ng bodega o nagtago ng bigas.

“May proseso ‘yan bago ma-confiscate ng pamahalaan, may proseso ‘yan bago pwede maipamigay sa gustong pagbigyan ng pamahalaan maliban na lang kung nakipag-areglo ‘yung may-ari ng bodega at nagtago ng bigas na ‘sige na kunin nyo na lang pero huwag na ninyo akong kasuhan”, ani Escudero.

“Yan ang tanong ng marami at tanong ko, nagka areglohan nga ba kung kaya’t ni isa walang nababanggit,” dagdag pa niya.

Dismayado si Escudero dahil hanggang ngayon ay hindi napangalan at hindi pa rin nakasuhan ang mga nasa likod ng nadiskubreng warehouse na naglalaman ng smuggled na bigas sa Zamboanga City.

Sabi pa ng senador, mismong ang Department of Justice ay nagsabi na may mga nakasauhan ng patungkol sa hoarding at smuggling ng bigas subalit nababasura dahil sa kakulangan ng ebidenisya.

“Ayon sa DOJ daw, iyong mga nagdaang taon na mga nahuli kaugnay ng parehong mga gawain ay karamihan na dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensyang sin-submit ng Bureau of Customs sa DOJ para i-prosecute ang mga diumano’y nagho-hoarding at nag-smuggling,” ani Escudero.

Punto pa ng senador, hindi naman lahat nang ni-raid ay smuggled na bigas dahil ang ilan din dito ay hoarding lamang.

“Kung hoarding yan hindi ata jurisdiction ng Bureau of Customs yan, para i-raid at para kumpiskahin, ang may jurisdiction diyan ay Department of Agriculture. Kung lokal na binigay ang bigas, tinago o hin-hoard lamang nung miller o nung buyer,” saad pa niya.

(Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on