WebClick Tracer

Villafuerte itinulak bawas-buwis sa petrolyo

Itinulak ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagbawas sa mga buwis na ipinapataw sa produktong petrolyo upang agad na mapababa ang presyo nito.

“We fully back the efforts of Speaker Martin (Romualdez) to find a ‘win-win’ solution to the nonstop upward adjustments in gasoline and diesel prices, which is partly responsible for this year’s elevated rate of commodity price spikes that has breached the government’s inflation target of 2% to 4%,” sabi ni Villafuerte.

“And in support of the Speaker’s initiative, I am appealing to fellow lawmakers to take a long hard look at House Bill (HB) 8231 and HB 5176 that both seek to overhaul the NIRC (National Internal Revenue Code) to freeze, reduce or do away altogether with the taxes imposed on petroleum products for the benefit of Filipino consumers,” dagdag pa ni Villafuerte.

Nauna rito ay pinulong ni Romualdez kasama ang ilang miyembro ng Kamara de Representantes ang mga kinatawan ng Department of Energy (DOE) at kumpanya ng langis upang pag-usapan kung papaano mapapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Ang HB 5176 ay otomatikong magsususpendi sa excise tax na ipinapataw sa gasolina at diesel kapag umabot ang presyo ng Dubai crude sa $80 o higit pa sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Mayroong kaparehong probisyon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law (Republic Act 10963), subalit limitado lamang ang implementasyon nito hanggang noong 2020.

Samantala, sinabi ni Villafuerte na ang HB 8231 ay naglalayong suspendihin ng tatlong taon o bawasan ng 50% ang mga partikular na buwis sa produktong petrolyo at kuryente sa pamamagitan ng pag-amyenda sa NIRC.

“This proposed measure seeks to reduce the excise tax on petroleum products and coal by 50%, suspend the imposition of applicable duties on their importation, and exempt the system loss charge in the sale of electricity from the value-added tax (VAT), for a period of 3 years,” sabi pa ni Villafuerte.

Bukod sa bawas-buwis, nananawagan din si Villafuerte sa DOE na magtayo ng strategic petroleum reserve (SPR) facility upang malimitahan ang epekto sa bansa ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Iniulat ng DOE na maaaring magpatuloy ang pagtaas sa presyo hanggang sa huling bahagi ng taon matapos na ianunsyo ng Saudi Arabia at Russia ang plano na bawasan ang kanilang produksyon ng produktong petrolyo. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Villafuerte sinita kupad ng DOE sa paglikha ng oil reserve program

TELETABLOID

Follow Abante News on