WebClick Tracer

NPO natapos na pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa Barangay, SK elections

Natapos na ng National Printing Office (NPO) ang pag-print ng may 92,054,974 official ballot para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nitong Huwebes, ibinigay ng NPO sa Commission on Elections ang certification of completion sa pag-imprenta ng mga manual ballot at iba pang form kaugnay ng BSKE sa Oktubre 30, 2023.

“This is to certify that the National Printing Office has already concluded the printing of the official manual ballots and other forms in connection to the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections in accordance with the technical specification, requirements, quantities, and timelines of the Commission on Elections,” pahayag ni NPO Director IV Renato Acosta.

Samantala, naimprenta na rin ang mahigit dalawang milyong official ballot para naman sa isasagawang plebisito para ratipikahan ang pagpalit ng City of San Jose Del Monte, Bulacan sa isang highly-urbanized city sa Oktubre 30. (IS)

See Related Story Here:

2025 BSKE automation masyadong mahal – Pimentel

TELETABLOID

Follow Abante News on