WebClick Tracer

Buddy Hield babu na sa Pacers?

Posibleng hindi na maglaro sa Indiana Pacers sa susunod na season ang shooter na si Buddy Hield.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium, tinatrabaho na umano ng shooter at ng Pacers ang posibleng trade.

“After contract extension negotiations stalled out, Buddy Hield and the Indiana Pacers have started dialogue to work on finding a potential trade,”

Nasa huling taon na ng kontrata si Hield at nakatakdang kumita ng $19.2 milyon ngayong season.

Sa loob ng 106 na laro para sa Pacers, may average ito na 17.1 puntos, limang rebounds, 3.3 assists at 1.1 steals. (CS)

See Related Story Here:

Deandre Ayton, Buddy Hield maglalaro para sa Bahamas

TELETABLOID

Follow Abante News on