Sinagot ni Sugar Mercado kung siya ba ang dahilan kung bakit nawala sa “Eat Bulaga” ang sikat na girl group na SexBomb.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ni Sugar na lahat sila ay walang kinalaman sa nangyari.
“Hindi naman talaga ako ‘yung dahilan,” saad ni Sugar.
“Lahat kami walang kinalaman po, tapos ako ‘yung napagbintangan,” dagdag pa niya.
“Hindi nila matanggap (bashers) kasi ako daw po ang dahilan bakit sila nawala, eh hindi naman po ako ‘yung may-ari ng ‘Eat Bulaga’,” patuloy pa niya.
“Ang dami po, 25 po na dancer tapos ako lang po natira noong mga panahon na ‘yun, mag-isa lang ako doon, naglalaban-bawi. Sa utak po ng tao, ako po talaga ‘yung may kasalanan pero ang totoo po nun, hindi po ako.”
Sambit naman ni Aira Bermudez, may isyu na nangyari dati na lumaki, at wala raw silang kinalamang SexBomb.
(IS)