WebClick Tracer

Ricci Rivero walang paki kahit sa second round na nakuha sa PBA Draft

Wala raw issue kay Ricci Rivero kahit hindi siya sa first round napili sa PBA Draft nitong Linggo, September 17 sa Market! Market! sa Taguig.

Inaasahan kasi ng marami na kabilang si Rivero sa mga masusungkit sa unang round pa lamang.

Kinuha ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang former UP shooting guard na 17th overall pick sa second round matapos unang kunin ng koponan si Raffy Verano ng Ateneo.

Pero hindi raw mahalaga kay Ricci ang numero.

“Kanina nagdasal lang ako before the Draft, sabi ko kung saan man ako mapunta, for sure ‘yun ang gusto Niya,” saad ng basketbolista.

“Mataas man o hindi basta makakatulong ako. At least maging OK ‘yung team sa makukuha nila from me,” patuloy pa niya.

Tinanghal na first overall pick ng Season 48 PBA Rookie Draft si Stephen Holt matapos siyang bingwitin ng Terrafirma Dyip. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on