WebClick Tracer

Resulta ng 2023 Bar exams, target ilabas sa Disyembre

Planong ilabas ng Supreme Court (SC) ang resulta ng 2023 Bar examinations bago ang Pasko.

“For the longest time, Bar examinees have had to endure several months of perceived agony of waiting before the results of the professional licensure exams for future lawyers are released,” ayon kay SC Associate Justice Ramon Paul Hernando.

“The time spent by examinees waiting in agony for the results of the exams will be cut short. My team and I are eyeing the release of the results of the 2023 Bar examinations in early December before Christmas Day,” dagdag pa nito.

Nitong Linggo, nakapagtala ang SC ng kabuuang 10,404 examinees sa 14 na testing centers sa buong bansa. Ang susunod na araw ng pagsusulit ay sa Setyembre 20 at 24.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on