WebClick Tracer

Rep. Duterte pinalilimitahan interes sa utang ng mga magsasaka

Inihain ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang isang panukala upang maproteksyunan ang mga magsasaka laban sa mga nagpapautang na nagpapataw ng labis na interes.

“It is disheartening that regardless of the invaluable contribution of the farmers to the country’s food security, they remain to be living below the poverty line,” sabi ni Duterte sa explanatory note ng panukalang Anti-Usury Against Farmers Act (House Bill 9094).

Sinabi ni Duterte na ang kawalan ng access sa pormal na credit facility at pagsasamantala ng mga loan shark ay kabilang sa mga dahilan kaya nananatiling mahirap ang mga magsasaka.

“As a result, the country’s farmers are faced with unabated losses and financial burden which results in their increased financial vulnerability. It left them with no other choice but to obtain more and more credit from loan sharks in order to secure short term relief with the hopes of mitigating their losses from the effects of devastating calamities, disrupted economies, and exorbitant farming capital,” dagdag pa ni Duterte.

Sa ilalim ng panukala, ang interes ng utang ng magsasaka na hindi lalagpas sa pitong hektarya ang tinataniman ay hindi maaaring lumagpas sa anim na porsyento kada taon.

“Any figure above this shall be considered usurious and illegal. Violators would be fined or penalized with imprisonment,” sabi sa panukala.

Ang mga lalabag ay papatawan ng isang taong pagkakakulong at/o P100,000 multa. Kung opisyal o empleyado ng gobyerno, ang parusa ay doble.

Kung kompanya ang lumabag, ang multa ay P500,000 at maaaring makulong ang mga opisyal nito ng anim na buwan hanggang isang taon. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on