WebClick Tracer

P1.9B budget ng PCO para sa 2024, lusot sa Senate panel

Inaprubahan ng Senate committee on finance nitong Lunes ang panukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) para sa susunod na taon.

Humihiling ang PCO ng P1.921 bilyon para sa kanilang operas sa 2024. Iendorso na ang panukalang pondo sa plenaryo ng Senado.

Sa pagdepensa sa pondo ng PCO, sinabi ni Secretary Cheloy Garafil na prayoridad nila ang kampanya laban sa fake news.

“Ang number one priority pa rin namin siyempre communication kay Presidente pero of course underlying that is ‘yung nasabi ninyo nga kanina, ‘yung fight against fake news,” sabi ni Garafil.

“Kaya nga po ngayong taon, nag-launch kami ng media information literacy campaign para po matugunan ‘yung problema sa fake news,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Garafil na makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD, DepEd, CHED, DICT at DILG para mabigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan kontra fake news.

Maliban diyan, sinabi din ng kalihim na isusulong din nila pagkakaroon ng positive collaboration sa iba’t ibang social media platforms para labanan ang fake news sa halip na i-ban ang mga ito.

(Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on