Pinasalamatan Maine Mendoza sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa pagkaganda-gandang sculpture na inspired sa kasal nila ni Arjo Atayde sa Baguio noong July 28.
Gawa ang sculpture ng Ronald Castrillo Sculptures & Artworks.
Ibinida ni Maine sa Instagram Story ang naturang wedding memento.
“Our wedding memento. Thank you so much, @pauleenlunasotto and bossing! Beautiful Castrillo piece @ronald_castrillo_sculptures,” sabi sa caption ng ‘E.A.T.’ host.
Kabilang si Vic sa mga ninong sa kasal ng ArMaine. (IS)