WebClick Tracer

Mag live-in nasawi sa pamamaril sa Cebu City

Nasawi ang dalawang maglive-in partner matapos na ang mga ito ay pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanilang tirahan sa Sitio Naba, Barangay Mambaling sa Cebu City nitong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ng Cebu City police ang mga biktima na sina Rolando Bangkal, 38 anyos at ang kalive-in nito na si Relina Tinapay.

Batay sa report, natagpuan ang mga biktima na parehong wala ng buhay sa kanilang tinutulugang kama at batbat ng tamang bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan .

Sa insiyal na imbestigasyon, napag-alaman na dalawang lalaki na parehong nakasuot ng full-face helmet at kapwa naka jacket ang pumasok sa loob ng bahay.

Ilang ulit na pinagbabaril ng mga ito ang dalawang biktima gamit ang hindi pa matiyak na kalibre ng baril, na nagresulta sa kanilang agaran pagkamatay.

Ayon sa mga saksi, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi natukoy na direksyon.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya natuklasan mula sa mga residente na kilala umano sa kanilang lugar ang dalawang biktima at sinasabing nauugnay sa illegal drug trade.

Bini-verify pa ang mga awtoridad kung totoo ang akusasyon sa mga ito.

Nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga salarin at sa ikadarakip ng mga ito.

TELETABLOID

Follow Abante News on