Katakot-takot na pamba-bash ang natanggap ng Kapuso actress na si Lovely Abella sa ipinost na litrato niya matapos manganak nang walang kaayos-kaayos ang itsura at labas ang panty.
Sa Instagram noong Linggo, September 17, ipinost ni Lovely ang viral unfiltered photo niya habang pinapadede ang kanyang newborn son na si Liam Emmanuel.
“Di ka man lang nagpaganda!! Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo,” paliwanag ni Lovely sa itsura niya sa litrato.
Hindi tinanggap ng mga netizen ang paliwanag niya, narito ang reaksiyon ng ilan sa kanila:
“Dapat bago kuhanan ng pic ng sinuman, isaayos muna ang kasuotan ng ina.. there will be negative at positive thinkers.. just saying.”
“Kailangan pa bang picturan ng ganyan para lang maging model respeto naman po.”
“Bkit po kse hindi kyo nagdmit muna.”
“Kung breast feeding dapat si baby naka picture habang na dede, hindi yung naka panty.”
“Jusko need pa talaga maghubad.”
“Bakit kelangan maghubad tas mag announce na proud kasi nanganak? pwede naman nakadamit ng maayos, karga bata at nagpapa dede. diosmio marimar! daming nanganganak sa mundo kada oras, kelangan pa talaga iprove yung flaws ng katawan mo after manganak?” (IS)