WebClick Tracer

Lee Seung Gi namudmod ng pagkain sa mga bata sa QC

Pinangunahan ng Korean star na si Lee Seung Gi ang isang charity event sa Quezon City.

Pumunta sa Pilipinas si Lee upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa mga Filipino fan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food pack sa mga bata sa Robinsons Magnolia sa Quezon City nitong weekend.

Nagpasalamat din si Lee sa taong nasa likod ng project na si Chavit Singson, na naroon din sa event.

Hinarana rin ni Lee ang mga fan ng ilan sa kanta niya, kabilang na ang soundtrack ng hit series niyang “My Girlfriend Is A Gumiho”.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on