WebClick Tracer

John Amores patitibayin depensa ng NorthPort

Para kay John Amores, ang pagkakasungkit sa kanya sa PBA ang umpisa para maitama niya ang nagawang pagkakamali matapos mag-amok noong nakaraang taon sa isang NCAA game.

Sa isinagawang PBA Draft noong Sept. 17, kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round.

“Ito ‘yung umpisa para maitama ko at maipakita sa mga tao na gagawin ko ‘yung para sa ikakabuti ng career ko,” lahad ni Amores sa mga reporter na nag-cover sa PBA Draft na ginanap sa Market! Market! sa Taguig.

Nangako rin siyang tutulungan ang koponan sa abot ng kanyang makakaya lalo na sa depensa.

“Gagawin ko lang pinaka-best ko. Kung ano matutulong ko, kung ano kailangan ng team, especially defense, ‘yun ipo-provide ko,” saad pa ni Amores.

Matatandaang nasipa si Amores sa JRU Heavy Bombers matapos niyang pagsasapakin ang ilang player ng College of St. Benilde Blazers.

Binigyan siya ng tsansa ng Zamboanga Valientes sa ASEAN Basketball League at naging parte rin ng Muntinlupa Cagers sa Maharlika Pilipinas Basketball League hanggang sa mag-apply siya sa PBA. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on