WebClick Tracer

1 Nasawi sa tama ng kidlat sa Ilocos norte

Isa ang nasawi habang bahagyang nasugatan ang apat na kasama nito ng ang kanilang sinisilungang kubo na dating tindahan ng prutas ay tamaan ng kidlat sa Barangay Nagpatpatan sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Solsona police ang biktima na si Gilbert Valera, residente ng Barangay Catangraran.

Batay sa report, galing sa isang handaan ang lima nang pansamantalang sumilong muna ang mga ito sa dating fruit stand sa gilid ng highway dahil sa pag-ulan.

Habang naghihintay ng pagtila, nag-iinuman pa ang lima ng biglang kumulog at gumuhit ang matalim na kidlat at tumama sa kubo.

Napuruhan ang nasawing biktima samantalang bahagyang nasapol din ng boltahe ng kidlat ang apat.

Mabilis na isinugod sa Rural Health Unit (RHU) ang lima pero binawian din ng buhay si Valera.

Sa findings ng doktor, lumalabas na electrocution secondary to lightning ang ikinasawi ng biktima.

TELETABLOID

Follow Abante News on